
Naisakatuparan po ang pangarap na kasal ng 4 couples nating kababayan sa naganap na Kasalang Bayan 2022 noong, Pebrero 28, 2022 na pinangunahan po ng ating mahal na Mayor Virgilio C. Flor, katuwang ang Local Civil Registrar’s Office. Dalangin po ng ating mahal na Mayor ang isang masagana at masayang buhay mag-asawa sa ating 4 couples. Panatilihin po ninyo ang pagmamahal sa isa’t isa.